Gusto mo bang mag-aral ng Finnish? - Pagtuturo sa tagsibol 2012
Ang pag-aaral ng wikang Finnish sa pamamagitan ng pagdalo sa mga klase ay napakahalaga dahil ito ay magbibigay ng wastong kaalaman tungkol sa wika (balarila, atbp) at higit sa lahat ay maaaring magsanay ng pagsasalita ng Finnish kasama ang kapwa Filipino na nagsisikap din na matutunan ang wikang ito. Maliban pa rito, ang pag-aaral ng wikang Finnish makakatulong sa paghahanap ng trabaho pati na rin sa kakayahang mamuhay ng may kasarinlan dito sa Finland.
Sa darating na ika-17 ng Enero 2012 (hanggang ika-15 ng Mayo), ang Filippiinit-seura ay magsisimula muling magbigay ng klase ng wikang Finnish para sa mga Pilipinong nagsisimulang mag-aral ng Finnish.
Tuwing ika-lima ng hapon ng Martes, ako ay magbibigay ng klase sa halagang 50 Euros patungkol sa salitang Finnish. Ito ay para sa mga Pilipinong nais at simula palang matututo magsalita at magsulat ng wikang Finnish.
Dalawang oras ang pag-aaral. May pagsasanay sa bawat leksiyon at mga takdang aralin. Ang pagtuturo ko ay nasa wikang Finnish at maaari mo akong sagutin sa wikang Tagalog upang mapalawak din aking kaalaman ng wikang Filipino. Maaari rin tayong gumamit ng Ingles at Taglish kung kinakailangan.
Tagsibol 2012
Ang klaseng nagsimula noong Setyembre 2011 ay magpapatuloy sa Enero 2012 (ika-17 ng Enero). Maaaring sumali sa grupo kung alam mo na ang mga pangunahing kaalaman sa wikang Finnish. Ang pag-aaral ay nagkakahalaga ng 50 Euros + 10 Euros "Harjoituskirja - Mga pagsasanay 2". Ang lugar na pagdadausan ng pag-aaral ay sa Lehdokkipolku 5 E 53, 00930 Helsinki (sa Itäkeskus, malapit sa istasyon ng Metro).
Para magpalista o kung mayroon kayong ibang katanungan, huwag mag-atubili at tumawag sa akin gsm 040 8454 794 o kaya ay mag-email sa akin: riitta.vartti@kolumbus.fi.
Aklat-aralin, gramar, CD at mga pagsasanay
Gagamitin natin ang librong "Sano se suomeksi - Sabihin Mo Ito Sa Finnish. Suomea Filippiinoille" nina Riitta Vartti at Meg Sakilayan-Latvala. Nagkakahalaga ito ng 30 Euros + CD 5 + "Harjoituskirja - Mga Pagsanay 1" 10 Euros.
Mayroon pang diksyonaryo, 30 000 salita at kasabihan sa wikang Filipino / Tagalog at Finnish - makabagong talasalitaan na akma sa iba't ibang larangan. Presyo 30 Euros.
Mga bank accounts:
para sa mga aralin Sampo 800018-966872 o IBAN FI4980001800966872,
para sa aklat at ibang materyales Sampo 800027-3520998 o IBAN FI2980002703520998. (Pwede ring bayaran by cash.)
May dalawang parte sa aklat : 1) mga aralin at 2) balarila (Ang Maliit Na Gramar ng Wikang Finnish). 
Magsisimula ako ng klase sa oras. Iwasan ang mahuli o ang ma-late upang maging sulit at masaya ang ating pag-aaral. Sa mga nais mag-aral, magtungo at hanapin si:
Riitta Vartti
Lehdokkipolku 5 E 53, 00930 Helsinki (Itäkeskus, malapit sa istasyon ng Metro)
Tel. 040 8454 794
email riitta.vartti@kolumbus.fi, pinakahuling araw para sa pagpatala Enero 4, 2012.
Nähdään! Magkitakits tayo! See you!
Back to the top
|